Thursday, January 29, 2015

"Sa FACEBOOK nag Simula"

Maraming nag sabi na masarap daw ma INLOVE.. Alam mo yung feeling na kikiligin ka sa mga sinabi nya?



Ako si LADY..25 years old, Single..

Dumating ang araw sa FACEBOOK may nag ADD sakin. si BOY. Inaccept ko. Tiningnan ko ang Profile nya, WOW! GWAPO!! 

Hindi nag tagal nag PM sya sakin..
BOY: Hello Lady thanks for accepting my friend request
LADY: :) :) (smiley)
BOY: ang cute mo naman :-D
LADY: :) Thanks!!

Tuloy- tuloy ang araw na mag ka chat kami, hanggang dumating sa point hiningi nya ang number ko. Tatawag daw sya para marinig nya ang boses ko..

Nong magka-usap na kami lagi nya akong bini-biro. Hindi lang sampong beses sa isang araw sya tumatawag. Pag gising ko sa umaga, habang nasa biyahe ako papuntang trabaho, break time ko at before ako matulog sa gabi.

Nag enjoy ako na lagi kong kausap si BOY..mabait sya at ma-aalahanin.

Ka chat ko lagi si Boy sa Facebook, Tumatawag sya at nag uusap kami ng matagal. Ang sweet nya panay magagandang salita ang sinasabi..

"Sino ba naman ang hindi ma iinlove dun diba?" 

Sa ilang days naming magka chat dumating rin sa point na nag tanong syang manligaw.

Kinakabahan ako, natutuwa, kini-kilig, nalilito- yan ang na ramdaman ko.

Nong una sinabi kong "Ayaw ko" pero hito parin sya.. Hindi ma alis-alis sa kanya na mag tanong kung pwede bang manligaw...

Hanggang dumating ang araw na nag I-I LOVE YOU na sya pero dedma ko lang o yung sagot ko AHHH OKEY! 

Before mag december ito na ang time na nag-pplano na akong sagutin sya kasi alam at ramdam kona sa sarili ko na may gusto na din ako sa kanya.

Lagi kong tini-tingnan ang cellphone ko kung may mensahe ba sya o wala..

Napapa-isip ako minsan baka may ka chat syang iba pero dina-divert ko nalang na baka busy lang talaga sya. 

Pero hindi Eh! Kasi dumating yung time na bihira na kaming mag chat sa FACEBOOK kumapara dati na araw-araw.

Hanggang dumating sa time na nawala na talaga "LIKE ITS OVER"..

Tama nga na MASAKIT pala sa part yung liligawan ka tapos pag na FALL kana saka nalang maglaho. ANO YUN MULTO???

May time na namiss ko sya kasi hindi ako sana'y na hindi ko sya ka chat, hanggang sa INOPEN ko FB nya.. Yun pala may bago na syang nililigawan.

Ano yon? Gagawin nya rin yung ginawa nya sakin? Tapos may masasaktan na naman ng dahil sa kanya?

Sympre hindi maalis sa akin ang mag selos at naging malungkot ako. Dito narin ang start na natakot na akong ma INLOVE-

Kaya hindi kona pinayagan ng may manligaw ulit sakin kasi ayoko ng MASAKTAN.

                  By:garnetaki